CHRISTMAS MESSAGE
December 24, 2024
Sa lahat ng ating mga kababayan sa buong mundo, binabati ko kayong lahat ng isang ‘Matatag’ na Pasko.
Ako man ay nasa kakaiba at di inaasahang sitwasyon ngayon, patuloy akong nananampalataya sa ating Dakilang Ama sa Kanyang layunin para sa bawat isa. Nagpapasalamat ako sa inyong mga dalangin at suporta pati na rin sa mensahe ninyong nagbibigay-lakas at inspirasyon sa akin.
Ngayong Pasko, binibigyan natin ng kahalagahan ang pagparito ng ating Tagapagligtas. Ang Panginoong Jesucristo ay ipinanganak bilang Begotten Son upang tayo ay magkaroon ng kalayaan mula sa kasalanan at pagkakaalipin sa diablo.
Mga kapatid, sa kanyang pagiging Begotten Son, naranasan niya ang pag-uusig at pang-aalipusta ng mga hindi tumanggap sa kanyang mensahe. Tinahak niya ang landas patungo sa Kalbaryo para maging pinakadakilang sakripisyo para sa ating lahat.
Ito ang dahilan ng kanyang pagparito—hindi lamang siya nanatiling sanggol na ipinanganak sa isang sabsaban. Siya ay “isinugo na mag-anyo ng taong makasalanan upang pawiin ang kasalanan. Sa gayon, hinatulan na niya ang kasalanang umaalipin sa tao.” (Roma 8:3)
Gayundin sa henerasyon ngayon, mga kapatid, kung bakit nag-prodyus ang Ama ng Appointed Son—siya ay magiging katuparan ng Bagong Tipan.
Kaya malalim ang kahulugan ng Pasko dahil kung ano ang nakasulat sa Banal na Kasulatan, ay siyang matutupad sa buhay ng Hinirang na Anak ng Diyos.
Sa aking kasalukuyang sitwasyon, nagpapasalamat ako sa ating Dakilang Ama sa pagkakataon na maging bahagi ng Kanyang misyon para sa sangkatauhan.
Nais Niya na maranasan natin ang tunay na kalayaan hindi lamang sa espirituwal na aspeto, kundi matustusan rin ang mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, kalusugan, edukasyon, tirahan, seguridad, at magkaroon ng mabuting kalagayan at kalidad ng buhay. (3 Juan 1:2)
Naniniwala rin ako na ang bawat Pilipino ay nararapat na mamuhay ng ganitong klaseng buhay. Hindi ito imposible.
Ito ay nasaksihan natin sa loob ng apat na dekada ng The Kingdom of Jesus Christ (KOJC). Kung nagawa ito ng Ama sa isang kongregasyon, tiyak na magagawa rin Niya ito sa bawat Pilipino.
Kaya ngayong Pasko at sa darating na bagong taon, idalangin natin ang ating bansa na manaig ang katuwiran, hustisya at kapayapaan.
Idalangin natin na tuluyan nang wakasan ang korapsyon, karahasan at iba pang kasamaan sa lipunan.
Panahon na para maranasan naman ng Pilipinas ang tunay at ganap na pagbabago mula sa mga nasa pamahalaan hanggang sa bawat mamamayan.
Peace, prosperity and stability o “Kapayapaan, kasaganaan, at katatagan,”—ito ang pangarap natin sa bawat Pilipino.
Hindi tayo pababayaan ng ating Amang Makapangyarihan.
Mga kababayan, anuman ang pagsubok na ating hinaharap ngayon, patuloy nating paghariin ang pag-ibig sa Diyos at sa ating kapwa.
Manatili tayong matatag at hindi sumusuko, huwag nating hayaan na matalo sa anumang mahirap na kalagayan o sirkumstansya sa buhay.
Ang pagpapala ng Dakilang Diyos na Ama natin ay ibahagi natin sa ating mga pamilya, maging sa mga lubos na nangangailangan tulad ng mga kabataan.
Muli, maligayang pasko sa ating lahat, at harapin natin ang bagong taon na punong-puno ng pag-asa na ang liwanag ng ating Dakilang Ama ang siyang gagabay sa ating landas.
Para sa Diyos at sa Pilipinas Nating Mahal.
Pagpalain tayong lahat ng ating Dakilang Ama, ang ating Panginoong Jesucristo: sa Kaniya ang lahat ng kapasalamatan, kapurihan, at lahat ng kadakilaan. Amen.
Pastor Apollo C. Quiboloy
Related Reads
ONE TREE, ONE NATION AND KALINISAN, TATAG NG BAYAN: NATIONWIDE TREE PLANTING AND CLEANLINESS DRIVE ACTIVITY
On January 11, 2025, Filipinos from all corners of the country united in a shared mission to protect the environment. Spearheaded by Pastor Apollo C. Quiboloy and the Sonshine Philippines Movement, the “One Tree,
OFFICIAL STATEMENT
Pastor Apollo C. Quiboloy and the Kingdom of Jesus Christ (KOJC) are praying and imploring the guidance of Almighty God for the massive INC rally at Quirino Grandstand to be attended by millions of their
ONE TREE, ONE NATION AND KALINISAN, TATAG NG BAYAN: NATIONWIDE TREE PLANTING AND CLEANLINESS DRIVE ACTIVITY
On January 4, 2025, people from all over the Philippines came together with a common goal: to care for and protect the environment. Led by Pastor Apollo C. Quiboloy and the Sonshine Philippines Movement,
Pastor Apollo C. Quiboloy New Year’s Message 2025
Isang mapagpalang araw sa inyong lahat, mga kababayan sa buong Pilipinas at sa buong mundo, saan man umaabot ang mensaheng ito. Maging sa lahat ng mga Overseas Filipino Workers, mga modern-day bayani ng bansa,
Blaan Children Write Heartfelt Letters to ‘Datu Tud Labun’ Pastor Apollo C. Quiboloy
In the quiet, mountain community of Kitbog in Malungon, Sarangani Province, a touching tribute is taking place. The children of the Blaan indigenous group are writing heartfelt letters to Pastor Apollo C. Quiboloy, whom
Classic Christmas: Celebrating the Spirit of Love and Giving
As we come together this festive season, we are reminded of the true spirit of Christmas: love, kindness, and unity. The KOJC Christmas Party and Gift Giving 2024 is not just another gathering of
Leave a Reply