Panalangin para sa mga nasalanta ng Bagyong Kristine thumb

Panalangin para sa mga nasalanta ng Bagyong Kristine

Panalangin para sa mga nasalanta ng Bagyong Kristine banner

Panalangin para sa mga nasalanta ng Bagyong Kristine

October 24, 2024

Panalangin para sa mga nasalanta ng Bagyong Kristine

October 24, 2024

Mga kababayan ko sa Bicol Region at iba pang bahagi na apektado ng baha, ito po ang inyong Pastor Apollo Quiboloy.

Sa mga panahong ganito, lalo na’t lubog na lubog na po kayo d’yan sa Bicol, sana’y ang aking grupo ay tutungo d’yan upang magdala ng truck-truck na ayuda—bigas at iba pang mga pangangailangan ninyo—kasi iyan po ang advocacy namin sa humanitarian work: ang pagtulong sa ating mga kababayan mula’t-mula pa noon sa mga panahon na ako’y nandidiyan pa sa labas. Ngunit ngayon po, masakit ang aking kalooban sapagka’t hindi ko kayo matutulungan. Frozen po ang lahat ng assets namin, at ako ay may mga akusasyon sa akin na hindi man napatunayan.

Kaya, gusto ko mang tumulong sa inyo d’yan ngayon, nagdurugo ang aking puso. Alam kong nangangailangan kayo ng maraming tulong; beside sa government na naririyan na, kami po sana ay naririyan din. Pero ako’y nandito sa kulungan—hindi po ako makalabas—at ang akin pong mga kasamahan ay nakatali rin ang kamay sapagka’t wala po silang sapat na resources upang makatulong tulad ng ginagawa namin noon. Pasensya na po kayo ngayon. Ang tanging magagawa lang ng KOJC ngayon, kasama ko, ay manalangin—manalangin sa Amang Makapangyarihan na protektahan kayo.

Ako’y mananalangin na maliligtas kayo sa sakunang ito, at marami sa inyo. Idinadalangin ko po kayong lahat dito sa kulungan, na kung saan hindi po ako malayang lumabas upang makapunta man diyan o makatulong. ‘Yan lang po, at maraming salamat. Nawa’y iligtas kayo ng Makapangyarihang Ama, ang inyong mga pamilya, at mga anak, sa delubyong ito. Salamat po.

-Pastor ACQ
Oct. 24, 2024


Ask a Question

Book a Counseling or Bible Study

Become a Kingdom Citizen

Storyline of Salvation Audiobook

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *