TO ALL KOJC FULL TIME MIRACLE WORKERS
AND KINGDOM MIRACLE MEMBERS
October 23, 2024
Magandang araw sa inyong lahat. Ngayong araw October 23, kami at ako ay haharap sa hearing ni Hontiveros sa Senado. Ito ay bahagi ng persecution na patuloy nilang ginagawa sa akin at sa Kingdom. Puro ito may kinalaman sa politika at friendship natin sa mga Duterte.
Ang 16-day siege sa KOJC ay hindi pa daw tapos sabi ni Torre kaya, na-assign siya ngayon sa CIDG bilang Chief at siya ngayon ang inatasan para ipatuloy ang persecution. Mga kapatid, sinabi ko ito hindi para matakot kayo o tayo bagkus lalo tayong magpakatatag sa ating paglilingkod at patuloy na madalanginin sa lahat ng panahon, kasi talunan na ang diablo kaya puro desperate move nalang ang ginagawa niya.
Ako ngayon ang haharap upang sagutin ang lahat ng false accusations. Maraming maririnig ninyong mga paninira sa atin, at mga ibang dating workers na kanilang sinusummon sa hearing. Marahil ito na rin ang tamang panahon na masagot ko sila, kaya wag kayong mabahala o magtaka sa mga naglilipanang paninirang-puri sa atin.
Alam nila ngayon kung gaano tayo kalakas after the 16-day siege na wala silang nagawang sirain, o linlangin ang mga workers upang kumampi sa kanila.
Umaatikabong away spiritual ito between good and evil at ako bilang Appointed Son ang itinalaga ng Ama namamuno dito. Kasama natin ang Ama sa spiritual battle na ito. (Ephesians 6:10-20)
Kaya mga kapatid, idalangin ninyo palagi ang lahat ng malapit sa akin na siyang pangunahin na gustong ilugmok; ang KOJC leadership ng BOA members ngayon: Sis. Ingrid, Jack Roy, Inting, Paulene, Sylvia.
Ganito ka-insecure ang mga kumakalaban na mga demonyo ngayon. Idalangin din si Sara Duterte ang VP, kanyang ama PRRD, ang panggigipit na ginagawa sa atin at sa kanila dahil sa pulitika.
Idalangin din ang kaso sa Amerika na patuloy ibigay ng Ama ang tagumpay sa atin. Ang pagtakbo kong Senador bahagi lang na strategy ng Ama sa ongoing na spiritual battle.
Tinanggap ko rin ang maraming sulat ninyo, at lubhang masaya ako sa inyong paninindigan na lahat handang mag-alay ng kanilang buhay, para sa Anak. Lalo akong naging inspired at masigasig dahil sa inyong katatagan.
Huwag kayong mag-alala. Matatapos din ang lahat ng kapagsubukan na ito at tayo naman ang magbubunyi sa tagumpay na naghihintay at magsama-sama tayong muli na itataon sa dedication ng King Dome!
Hanggang sa muli nating pagkikita sa Glorification! Tatag lang.
Ang inyong Pastor,
Pastor Apollo C. Quiboloy
Related Reads
KALINISAN, TATAG NG BAYAN: NATIONWIDE CLEANLINESS DRIVE
Hundreds of volunteers from the Sonshine Philippines Movement participated in the Nationwide Cleanliness Drive on December 7, 2024, at the scenic Matabungkay Beach in Lian, Batangas.
ONE TREE, ONE NATION: NATIONWIDE TREE PLANTING ACTIVITY
On December 7, 2024, communities across the Philippines came together to unite for a cleaner, greener, and more sustainable future. Spearheaded by Pastor Apollo C. Quiboloy through the Sonshine Philippines Movement, the One Tree,
The Kingdom of Jesus Christ Davao Chapter Holds Baptismal Rites at Kalayaan Beach, Toril
In mass baptism ceremonies all over Davao City, hundreds decided to heed the call of the Appointed Son and enter into the Ark of Salvation.
KALINISAN, TATAG NG BAYAN: NATIONWIDE CLEANLINESS DRIVE
On November 23, 2024, thousands of volunteers—along with workers from KOJC, Keepers Club International, LGUs, and other groups—joined forces for the successful ‘KALINISAN, TATAG NG BAYAN!’ nationwide cleanliness drive and mangrove planting event. Led
URGENT WARNING
It has come to our attention that there are certain individuals or groups using the name of the Kingdom of Jesus Christ (KOJC) and our spiritual leader Pastor Apollo C. Quiboloy to deceive the
OFFICIAL STATEMENT
This is to inform the public of Pastor Apollo C. Quiboloy’s hospital furlough petitioned by his lawyers that was granted by Judge Rainelda Estacio-Montesa of Pasig RTC Branch 159, that it is just an
Leave a Reply