Pastor Apollo C. Quiboloy New Year’s Message 2025
Isang mapagpalang araw sa inyong lahat, mga kababayan sa buong Pilipinas at sa buong mundo, saan man umaabot ang mensaheng ito. Maging sa lahat ng mga Overseas Filipino Workers, mga modern-day bayani ng bansa, ipinapaabot ko sa inyong lahat ang aking mainit na pagbati at pangungumusta.
Hindi man ako personal na makapagsalita sa inyong harapan, nagpapasalamat ako sa pagkakataong ibinigay ninyo para sa akin at sa aking mga kasamahan upang mapakinggan ang aking plataporma de gobyerno sa aking pagtakbo sa Senado.
Ako po ang inyong lingkod, Pastor Apollo C. Quiboloy, spiritual leader ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC), tubong Mindanao, mula sa Davao City.
Ang KOJC ay kinikilalang isa sa mga fastest-growing religious organizations in the world, at sa loob ng halos apat na dekada ay nakapagtayo ng mga kongregasyon sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
Kasalukuyan ring tinatapos ang konstruksyon ng 75,000-seating capacity King Dome, isang worship center na magiging largest indoor cathedral in the world kung ito’y matapos na.
Ako po ay naging spiritual adviser ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, bilang kanyang kaibigan mula pa noong nagsisimula pa lang ang aking kongregasyon, at siya naman ay isa pa lang prosecutor.
Ako rin po ay isang environmentalist, philanthropist, humanitarian advocate at nagsusulong ng nation-building na inyo pong napapanood sa Sonshine Media Network International (SMNI).
Nanindigan tayo para sa karapatan ng mga katutubo kaya nabuo ang United Indigenous Peoples Heritage of the Philippines o UNIPHIL. Ako ay kaisa sa mga hinaing nila para sa kaunlaran ng kanilang komunidad at kinilala ako bilang Datu Pamulingan at Datu Tud Labun.
Alam kong hindi lingid sa inyo ang naging karanasan ng KOJC sa loob ng labing-anim na araw ng paglusob ng mga pwersa ng pamahalaan o KOJC Siege sa Davao City.
Dalawang beses nilusob ng mga kapulisan ang KOJC Compounds kung saan naranasan ng mga miyembro at missionary workers ang karahasan at may tatlong buhay ang nasawi.
Sa kabila po ng aking sitwasyon ngayon, ako po ay nangungusap sa inyo dahil naniniwala po na maraming kailangang baguhin sa sistema ng ating bansa.
Naniniwala ako na makapagsisilbi ako at makapagbibigay ng solusyon sa bayan kaya ako ay tumatakbo bilang Senador.
Wala akong ambisyon, ngunit mayroon akong pangarap o vision para sa bawat Pilipino.
Naniniwala akong ang kakayahan na ibinigay sa akin ng Panginoong Diyos na palaguin at mapaunlad ang Kingdom Nation sa loob ng apat na dekada ay maari ring gamitin para makapag-contribute sa ating mahal na bansa.
Ang aking vision ay maging ‘First-world’ country ang Pilipinas – walang korapsyon, walang karahasan, walang kawalan ng katarungan.
(No corruption, no violence, no injustice)
Ang aking pangarap ay peace, prosperity at stability – bawat Pilipino ay mabuhay nang mapayapa, masagana at may katatagan.
Sa aking pagtakbo bilang Senador, pagtutuunan ko ng pansin ang limang mahahalagang bagay sa aking plataporma na magdudulot ng positibong pagbabago sa ating bansa.
- Una, tatalakayin ko ang zero corruption upang matiyak na ang pondo ng bayan ay mapupunta sa mga proyekto para sa kapakanan ng nakararami.
Ako ang magiging tagapagbantay ng kaban ng bayan.
Ako ang inyong magiging protektor upang siguraduhin na ang pera ng bayan ay mapunta sa nararapat nitong gastusin.
Ang pera ng bayan ay para sa bayan, hindi sa kung kanino man.
Magbubuo tayo ng batas na magpapataw ng ‘Death Penalty’ sa mga kurakot – parusang kamatayan para sa sinumang napatunayang nagkasala sa pangungurakot o pandaraya na may kinalaman sa pondo ng gobyerno.
Isang Truth Commission naman ang ating palalakasin upang magsagawa ng masusing imbestigasyon sa mga kurakot at mandarambong.
- Ikalawa, magtutulungan tayo upang mapababa ang kawalan ng trabaho at mapabuti ang kalagayan ng ating mga kababayan sa pamamagitan ng mga programang magbibigay ng oportunidad at suporta sa mahihirap.
Tutugunan natin ang mga pangunahing pangangailangan—pagkain, kalusugan, at edukasyon—upang magkaroon ng kakayahan ang mga indibidwal na maghanap ng trabaho, paunlarin ang kanilang mga kasanayan, at mag-ambag sa kanilang mga komunidad.
- Ikatlo, tututukan ko ang pagpapalago ng turismo sa pamamagitan ng National Superhighway System, na magpapadali sa pagbiyahe at magbibigay ng mas maraming pagkakataon para sa lokal na negosyo at mga manggagawa.
- Ikaapat, sisikapin ko ang pagpapalakas ng kapayapaan at kaayusan sa pamamagitan ng mga hakbang na tututok sa mga laban kontra ilegal na droga, kriminalidad, at ang pagpapabagsak sa mga grupong sumisira sa ating bayan tulad ng CPP-NPA-NDF.
- Ika-lima, pagbibigay pansin sa pangangalaga at rehabilitasyon ng kalikasan, kabilang ang paglilinis, pagpapaganda, at pagtatanim ng mga puno upang masiguro ang malinis, mabango at luntian na kapaligiran para sa mga susunod na henerasyon.
Naniniwala ako na hinog na ang panahon para sa pagbabago ng Pilipinas! Handa na tayo na maging First-World ang ating bansa.
Ako ay inilagay ng ating Makapangyarihang Ama sa larangang ito upang mabigyan ng lunas ang mga sakit at suliranin ng bansa.
Uulitin ko, wala akong ambisyon o pansariling interes sa aking pagpasok sa mundo ng pulitika.
I have no ambition, but I have a vision for my country.
Ako ay may hangarin na maranasan ng Pilipinas na maging first-world, world-class, first-class citizens na kinikilalang kapantay at hindi itinuturing na alipin o nasasakupan ng anumang bansa.
Kung loloobin ng ating Panginoong Diyos na ako’y maging isang lingkod-bayan, bilang isang Senador, asahan ninyo ang pagsisikap kong makamit natin ang hangaring ito.
Ipaglaban natin ang hustisya at katuwiran.
Labanan natin ang mga tiwali at magnanakaw ng kaban ng bayan. Panahon na para ang Pilipino ang tunay na magtamasa ng kayamanan at kaunlaran ng bayan.
Magkaisa tayo para sa Diyos at sa Pilipinas nating mahal.
Ako po si Pastor Apollo C. Quiboloy,
Number 52 sa balota.
Ipasok natin sa Senado.
Ayusin natin ang Pilipinas ngayong 2025 at ang pagpapala mula sa ating Dakilang Diyos at Amang Makapangyarihan ay patuloy na dumaloy sa ating lahat.
Maraming salamat po, at mabuhay ang bawat Pilipino!
Related Reads
A GLORIOUS DAY OF THANKSGIVING FOR THE 22ND SONSHIP ANNIVERSARY
Yesterday marked a historic and glorious occasion as Kingdom citizens from all over gathered in the New Jerusalem to celebrate the 22nd Anniversary of the Declaration of the Sonship to the World. With hearts
Celebrating 22 Glorious Years of the Declaration of the Sonship to the World
Before the Begotten Son of God came into the picture, man didn’t know the two important things he lost out to the devil in the Garden of Eden through deception– the Sonship and the
LETTERS OF LOVE, NIGHT OF FAITH
On September 10, 2025, the Young Stewards and Ambassadors of the Kingdom (YSAK) in NCR gathered at 7373 Events Place and Restaurant for a special Rooftop Fellowship — a night filled with worship, laughter,
Forty Years of Triumphs and Milestones: From a Mustard Seed to a Global Nation
Forty years ago, a seed was planted. It was small, almost insignificant in the eyes of the world. Only fifteen members stood beside the Appointed Son of God, forsaking everything but armed with faith
HIS NAME IS HOLY FOREVER
On August 31, 2025, in Sauyo, Novaliches, Manila, the sons and daughters of the Almighty Father gathered together for a night of thanksgiving, praise, and worship, an offering lifted to our forever-living God, our
Heaven Rejoices in Eastern Visayas Mass Baptism
Heaven rejoiced yesterday as a baptism ceremony was held in Eastern Visayas, where many souls answered the call of the Almighty Father through His Appointed Son. Because of the message of the Son, hearts that
Comments (0)